Ano Ang Mahalagang Pangyayari Sa Kabanata 26
Ano ang mahalagang pangyayari sa kabanata 26
Mahalagang Pangyayari sa Kabanata 26 "Bisperas ng Pista"
Bisperas ng pista noon sa bayan ng San Diego. Ang lahat ng tao na makikita sa lansangan, sabungan, kabukiran, bawat bahay at simbahan ay masaya. Ang mga banderitas at mga palamuting nakapahiyas sa mga bintana ay kapansin-pansin. Ang himig ng musika at sagitsit ng kuwitis ay pumapailanlang sa kapaligiran. Ang mga kababihan ay abala sa kusina. Marami ang naghahanda ng mga minatamis na nasa ibat ibang kulay ng pinggang nakalagay sa mesitang nabuburdahan ng puti. Maririnig ang putak ng manok at atungal ng baboy sa likod ng bahay habang sa kabahayan ay maririnig ang malakas na tawanan ng mga bisita.
Walang pinipili kung kaibigan man o kaaway, kilala man o hindi, mayaman man o maralita, Pilipino man o Kastila, ang mahalaga ay mabusog at mapasaya ang mga panauhin. Hindi na rin kailangan magpasalamat sa may bahay.
Ang mayayamang nakakapag-ibang bansa ay may pagpapasikat ding ginawa. Ang kanilang hapag kainan ay maluho sa palamuti, nakahanay din ang mamahaling alak at pagkain galing pa sa Europa na binili sa Maynila.
Karagdagang Kaalaman:
Comments
Post a Comment