Buod Ng Kabanata 36 Ng Noli Me Tangere
Buod ng kabanata 36 ng noli me tangere
Kabanata 36: Ang Unang Suliranin (Buod)
Sa kabanatang ito ay ipinakita ang tapang ni Ibarra na siyang unti-unting gumising sa diwa ng kanyang mga kasamahan sa liberal.
Mabilis na kumalat ang nangyaring kaguluhan sa bayan. Nahati ang saloobin at paniniwala ng mga taong bayan. Mula sa panig ng mga nakababata ay labis ang paghanga nila sa katapangan na ginawa ni Ibarra. Masaya sila at nakaganti na rin sila sa pagsampal ng pari sa isang binatang Manilenyo.
Samantala, ang mga nakatatandang babae ay nagkaroon ng agam-agam at takot. Baka daw magaya sa pag-uugali ni Ibarra ang kanilang mga anak kapag ipinadala rin nila ang mga ito sa Europa. Ang mga iba naman kagaya ni Kapitana Maria ay buong tapang na ipinagtatanggol si Ibarra.
Ang pangyayaring ito ang nagbigay ng hudyat sa grupo ni Don Filipo (samahan ng liberal) upang sila ay magkaisa at manindigan. Hinikayat niya ang kanyang mga kasapi upang magkaisa kagaya ng ginagawa ng mga saserdote.
Aral – Kabanata 36
Ang edad ay hindi dapat gawing basihan sa pagkilala kung sino ang tama o mali. Kahit bata ka lang mayroon kang karapatang manindigan at ipaglaban ang tama.
Madaling makahanap ng sulosyon sa kanyang suliranin ang taong nag-iisip kaysa sa taong emosyonal.
Para sa karagdagang impormasyon tingnan ang link:
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment