Sitwasyon Na Kailangan Mag Pasya

Sitwasyon na kailangan mag pasya

Maraming mga bagay na kailangang magpasya. Ang ilan sa kanila ay hindi humaharap sa pagpapasya at ibinibigay sa iba ang pagkakataon. Hindi naman sa ayaw nilang sumugal, pero ang takot nila sa maraming mga bagay ay tunay na pumipigil sa kanila na maranasan ang sarap ng pakiramdam sa pagpapasya. Ang ilan sa kanila ay ang mga sumusunod:

1. Ako ba ay mag-aaral ng kolehiyo o magtatrabaho pagkatapos ng grade 12?Maraming mga bagay ang kanilang isinasaalang-alang gaya ng pinansiyal at ang pansariling hilig, stress at ang sinasabi ng kapamilya. Dahil hindi nia nais na mabigo ang mga tao sa paligid niya, hindi na din niya nais na magpasya.

2. Gusto ko nang makipagrelasyon, pero ayaw ng aking magulang. Itatago ko na lang ba ang aming relasyon o magsasalita ako sa aking mga magulang?

Hindi niya mapigilan ang iyong damdamin at para bang ito na ang pinakamasarap na damdamin na ayaw mong alisin. Pero alam mong tama din ang mga magulang mo na nadi-distract ka na.

3. Ang mga magulang ay nahihirapan na sa kanilang pagsasama, pero may mga anak sila. Dapat pa ba silang magsama o pahihirapan na lamang nila ang kanilang sarili.

4. Dahil sa kahirapan, nais ng isa sa mga magulang na mag-abroad. Pero hindi nila kayang mawalay sa kanilang pamilya.


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Kahulugan Ng Kapista Sa El Filibusterismo Kabanata 27